Higit 10K indibidwal, apektado ng Bagyong Obet – NDRRMC

Umabot sa 10,894 na indibidwal mula Northern Luzon ang naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Obet, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa datos ng NDRRMC, karamihan o 9,974 na indibidwal na apektado ng bagyo ay mula sa 51 mga barangay sa Cagayan Valley.

Sinundan ito ng 800 indibidwal sa Cordillera Administrative Region (CAR), at 120 indibidwal naman sa Ilocos Region.


Nakapagtala rin ang ahensya ng anim na insidente ng pagbaha, dalawang landslide at isang soil erosion sa Cagayan Valley bunsod ng bagyong Obet.

Siyam na kalsada naman sa Cagayan Valley at apat sa Cordillera ang hindi pa rin madaanan.

Wala namang naitalang casualty dahil sa bagyo.

Samantala, ayon sa NDRRMC, kabuuang P66,570 na halaga na ng tulong ang naipamahagi sa mga apektado ng bago sa Ilocos Region at CAR.

Facebook Comments