Umabot sa higit 10,000 ang bilang ng pasahero sa mga pantalan sa araw ng Pasko.
Sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 10,784 ang outbound passengers.
Maraming pasahero ang stranded sa Northern Mindanao lalo na sa Surigao del Norte, Misamis Occidental, Siargao, Agusan del Norte, Dinagat at Misamis Oriental na may higit 3,600 na pasahero.
Sumunod dito ang South Western Mindanao partikular sa bahagi ng Zamboanga, Basilan, Central Tawi-Tawi at Northern Tawi-Tawi na may halos 3,500 pasahero.
Pinayuhan naman ng PCG ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga alituntun sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Facebook Comments