HIGIT 10K PIRASO NG ILEGAL NA PAPUTOK AT BOGA, WINASAK SA PANGASINAN

Winasak ng Pangasinan Police Provincial Office, katuwang ang Bureau of Fire Protection, ang kabuuang 10,906 piraso ng ilegal na paputok, pyrotechnic devices, at improvised cannon o boga noong Sabado, Disyembre 27.

Ang mga nasabing paputok at boga ay nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Ayon sa pulisya, bahagi ito ng pinaigting na pagbabantay upang masiguro ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng mga selebrasyon.

Bukod sa ilegal na paputok, kabilang din sa binabantayan ng bawat himpilan ang paghuli sa mga gumagamit ng maiingay na muffler na nagdudulot ng noise pollution at perwisyo sa mga komunidad.

Kaugnay nito, nananatiling nakataas ang heightened alert status ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa buong lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments