Patuloy na nadadagdagan ang mga nababakunahan sa Kalakhang Maynila.
Kasunod na rin ito nang pagbibigay ng dagdag na vaccine supplies sa National Capital Region (NCR) na isa sa mga priority area
Ayon kay Metropolitan Manila Development o MMDA Chairman Benhur Abalos, nasa 7,350,611 o 75% na ng Eligible population sa Metro Manila ang nabigyan na ng 1st dose habang pumapalo na sa 4,262, 546 o 43.5% ng Eligible population ang fully vaccinated.
Ito ay mula sa kabuuang 11, 613, 157 doses ng mga bakuna ang naiturok na.
Sinabi pa ni Abalos na mula sa kabuuang 14-M population sa NCR, 9.8-M dito ang target na mabakunahan para maabot ang 70% population protection.
Sa ngayon, posibleng pagsapit ng Oktubre lahat ng syudad at Munisipalidad sa kalakhang Maynila ay makamit na ang population protection basta’t magkaroon lamang ng steady supply ng mga bakuna.