Nagbigay ng tulong-pinansyal ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union (PGLU) na may kabuuang halaga na Php 11,550,000.00 sa 462 na pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa ilalim ng Department of Education – La Union Schools Division at City Schools Division Office ng San Fernando.
Isinagawa ang turn-over ceremony noong Agosto 12, 2025 sa isang convention center sa lungsod ng San Fernando.
Ang pondo, na nagmula sa Special Education Fund ng Provincial School Board, ay inilaan upang suportahan ang Brigada Eskwela ng mga paaralan at bilang agarang tulong para sa pagkukumpuni ng mga pasilidad na nasira ng Bagyong Emong.
Bawat pampublikong elementarya at high school ay tumanggap ng Php 25,000, habang ang mga integrated schools ay tumanggap ng Php 50,000 bawat isa.
Binibigyang-diin ng PGLU ang patuloy nitong suporta sa sektor ng edukasyon sa lalawigan, bilang bahagi ng layuning mapalakas ang kalidad at pagiging inklusibo ng edukasyon para sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








