Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng higit 11,000 kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 11,028 ang karagdagang kaso ng COVID-19 kaya’t nasa 135,526 na ang aktibong kaso.
98. 4 percent sa nasabing bilang ng aktibong kaso ay nakakaranas ng mild symptoms habang 26, 624 ang sumalang sa pagsusuri kung saan 22.7 percent sa mga ito ay nagpositibo sa virus.
Dalawa ang naitalang nadagdag sa mga nasawi na ngayon ay nasa 13,425 na ang kabuuang bilang.
Umaabot naman sa 41,205 ang naitalang nadagdag sa mga gumaling na sa kabuuan ay nasa 646,100 ang bilang.
Sa kabuuan, nasa 795,051 ang naitala ng DOH na kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Samantala, isa naman ang naitalang nadagdag na kaso ng COVID-19 sa mga Filipino na nasa ibang bansa.
Partikular na naitala ang nag-iisang kaso sa Asia and the Pacific kung saan umakyat na sa 16,046 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pinoy abroad habang nananatili naman sa 1,049 ang nasawi at 10,060 ang bilang ng nakarekober.