Nakapag-isyu ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng higit 110,000 Alien Employment Permit (AEP) sa foreign nationals ngayong taon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – nakapag-isyu sila ng 111,583 na AEP sa mga dayuhan na nais magtrabaho sa Pilipinas.
Mula sa nasabing bilang, 75.07% o 83,764 AEPs ay inisyu para sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sinabi rin ni Bello – na tumataas na rin ang bilang ng kanilang labor laws compliance officers na nagkakasa ng inspeksyon sa iba’t ibang establisyimento.
Umaasa ang DOLE na maraming foreign workers ang maghahain ng kanilang applications.
Ang AEP ay isa sa requirements para maisyuhan ng work visa ang mga dayuhan.
Facebook Comments