Umabot na sa 1,171 telco permits ang naaprubahan habang may nakabinbing 428 na bagong aplikasyon.
Ito ang inahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) Lunes ng gabi.
Ayon kay Secretary Año, tumatalima na ang mga lokal na pamahalaan sa direktibang pabilisin ang proseso sa pag-apruba ng permits.
Dagdag pa ni Secretary Año, wala ng rason ang mga telco para sabihing nahihirapan sila sa pagtatayo ng telco towers lalo na at mayroong probisyon sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) ang awtomatikong rollout ng mga telco.
Magiging katuwang ng DILG ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry (DTI) at Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa pagbuo ng guidelines para sa automatic roll out sa pagtatayo ng telco towers.