Aabot sa mahigit 12,000 ang mga kukuha ng Bar exam ngayong taon.
Ayon sa Korte Suprema, 12,186 na aspiring lawyers ang nakaabot sa deadline noong April 5 habang may 60 naman na hindi na tumuloy.
Mas mataas ito kumpara sa 10,387 na kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon para maging abogado.
Kasunod nito, ilalabas naman by batch ang listahan ng mga unconditionally approved, conditionally approved at denied na mga aplikante.
Inabisuhan naman ng SC ang mga applicant na i-check ang kanilang accounts sa Bar Applicant Registration Information System and Tech Assistance para makita ang status ng aplikasyon.
Sa ngayon ay isinasapinal pa ng SC ang listahan ng mga magsisilbing local testing centers.
Idaraos ang Bar exams sa darating na September 8, 11 at 15.