Higit 12-M mga Filipino, fully vaccinated na!

Sumampa na sa higit 12 milyong mga Filipino ang fully vaccinated na.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, 14,100,119 ang nabigyan ng 1st dose habang umaabot na sa 12,027,383 ang mga fully vaccinated.

Ito ay mula sa 26,127,502 vaccines administered nationwide.


Kasunod nito, inaasahan pa ang patuloy na paglobo ng mga nababakunahan kasunod ng pagdating ng mga bakuna sa bansa.

Kahapon lamang dumating ang mga biniling 813,150 doses ng Pfizer at donasyong 100,000 doses ng Sinopharm mula sa gobyerno ng United Arab Emirates (UAE).

Una nang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na ngayong buwan lamang ng Agosto darating ang 22-M doses ng mga bakuna na binili ng pamahalaan kasama na ang mga donasyong bakuna.

Facebook Comments