Higit 12 milyong Pilipino, fully vaccinated na

Sumampa na sa 12,743,082 ang mga Pinoy na fully vaccinated na o nabigyan na ng 2nd dose, naitala kahapon, Agosto 16.

Sa datos na iprinisinta ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque mula sa National COVID-19 vaccination dashboard, 15,565,411 mga Pinoy ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.

Ito ay mula sa 28,308,493 kabuuang bilang ng doses ng mga bakuna na naiturok na.


Samantala, naitalang umabot naman sa 501,612 ang average daily jabs.

Ani ni Roque, patuloy na tataas ang bilang ng mga nababakunahan sa bansa kasabay ng inaasahang pagdating ng suplay ng bakuna.

Una nang sinabi ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na aabot sa kabuuang 22 milyong doses ng bakuna ang darating sa bansa ngayon buwan ng Agosto.

Facebook Comments