Dinagsa ng mga Dagupeno ang isinagawang libreng eye check up na bukas pati sa mga kabataan kahapon.
Kabuuang 1,242 ang benepisyaryo sa Project Linaw Mata na bahagi ng programang nangangalaga sa kalusugan ng mga residente.
Pumila at nagpasuri ang mga Dagupeñong nangangailangan na ng pagsusuri at early detection sa mga sakit sa mata tulad ng Katarata, problem sa retina, pinaghihinalaang Glaucoma, juvenile Cataract (pediatrics), at Macular degeneration.
Sakop din ng aktibidad ang mga mag-aaral upang tiyakin na may tamang pangangalaga para sa malinaw na paningin.
Bahagi ito ng mga hakbang upang matutukan ang mga higit nangangailangan na residente sa kanilang kalusugan.
Matatandaan, kamakailan ay nagsagawa rin ng libreng health caravan para sa iba pang karamdaman tulad sa puso, diabetes at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









