Higit 1,200 flying voters sa isang barangay sa Pasay City, pinaaaresto ng korte

Pinaaaresto na ng Pasay City Regional Trial Court Branch 129 ang nasa 1,200 na flying voters sa isang barangay sa Pasay City.

Ang flying voters umano ay mula sa Barangay Caloocan 120 at boboto sa Barangay 97.

Sa utos na inilabas ni Judge Risardos Jenes, kasama sa respondent si Felicidad Abon Abalos at libo-libong iba pa dahil sa paglabag sa paglabag Section 261 ng Omnibus Election Code o ang tinatawag na flying voters.


Base sa requisite investigation na isinagawa ng korte, nakitaan ng probable cause ang kaso at guilty ang mga indibidwal sa pagiging flying voter.

Pagkatapos maaresto ay mahigpit ang bilin ng korte na dalhin ang mga ito sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Mayroon namang ipinataw na piyansa na tig-P50,000 sa bawat respondent.

Facebook Comments