Nasa 12,194 na bakuna kontra COVID-19 ang inilaan ng lokal ng pamahalaan ng Maynila sa ikinakasa nilang vaccination program ngayong araw.
Nasa tig-200 doses ang inilaan na bakuna sa 45 health centers sa lungsod habang nasa 1,334 na Sinovac vaccines ang inilaan sa apat na mall na ginawang vaccination sites.
360 doses naman ng Pfizer ang inilaan sa Manila Grandstand drive thru kung saan 1,500 doses naman ng AstraZeneca vaccines sa Adamson University na pansamantalang ginawang vaccination site.
Pinapayagan ang walk-in sa mga health center pero ang mga magpapabakuna sa apat na mall, drive thru at sa Adamson ay kinakailangan ipakita ang text message mula sa Manila Covax na nagpapatunay na sila ay naka-schedule na bakunahan ngayong araw.
Facebook Comments