Higit 12,000 establisyimento sa Metro Manila, nabigyan na ng safety seal

Umaabot na sa 12,652 mga establishemento sa National Capital Region (NCR) ang napagkalooban ng safety seal.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of the Interior Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na mula sa 86,159 na mga business establishments na nag-apply, 45,649 dito ang naaprubahan habang 9,794 naman ang hindi naaprubahan dahil hindi pumasa sa mga itinatakdang pamantayan.

Pinakamaraming nagawaran ng safety seals ang mga Local Government Units (LGU) na umaabot sa 27,717 sinundan ng DILG na may 12,154, Department of Trade and Industry (DTI) 4,152, Department of Tourism (DOT) 1,085 at Department of Labor and Employment (DOLE) 541.


Paliwanag nito, kapag mayroon kasing safety seal ang isang establisyimento ay madaragdagan ng 10% ang operational capacity nito.

Sa ngayon, sa ilalim ng Alert Level 3 na umiiral sa kalakhang Maynila 30% ang in-door capacity habang 50% naman sa outdoor.

Facebook Comments