Higit 12,000 raliyista, nakatakdang magkilos protesta ngayong hapon para sa ika-limang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte; 5 na miyembro ng Piston, inaresto

Umarangkada na ang kaliwa’t kanang kilos protesta ng iba’t ibang grupo para sa State of the Nation Address mamayang hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Simula kaninang alas-8:30 ng umaga, sinakop ng higit 200 katao ang dalawang linya ng kalsada sa Commonwealth University Ave para sa magprotesta.

May grupo na rin ng mga raliyista ang nagtipon sa bahagi ng Philcoa.


Inaasahan na aabot sa 12,000 protesters ang sasali para sa Sonagkaisa rally sa UP-Diliman sa Quezon City.

Kinabibilangan ito ng 90 grupo ng aktibista, mga abugado, journalists, religious groups, artists, students, workers, indigenous people, urban poor at iba pang sektor.

Samantala, lima na miyembro naman ng grupong Piston na sakay ng kanilang jeep ang inaresto ng National Capital Region Police Office.

Dinakip ang mga jeepney driver dahil sa paglabag sa safety at health protocols at pagbabawal sa mga jeep na bumiyahe, lalo kung aarkilahin para magsakay ng mga militanteng grupo.

Lumalabas na walang plastic o barrier ang mga jeep, malinaw na paglabag sa ipinatutupad na safetyu guidelines ng Inter-Agency Task Force.

Dinala ang lima sa Camp Karingal sa Quezon City para sa imbestigasyon at ikinulong sa mobile detention cell na ipinahiram ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology.

Facebook Comments