Higit 120,000 OFWs, naiuwi na sa mga probinsya ayon sa OWWA

Umabot na sa 120,000 repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) ang natulungan ng pamahalaan na makauwi sa kanilang mga probinsya.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, nasa 122,369 OFWs ang napauwi na sa kanilang mga lalawigan mula pa nitong Mayo sa pamamagitan ng land at sea transport.

Nasa 2,369 OFWs ang nakakuha ng masasakyang pauwi sa kanilang home province mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx).


Pagtitiyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na hindi sila mapapagod para tulungan ang mga returning OFWs at ayusin ang kanilang masasakyan pauwi sa kanilang mga lalawigan at makasama ang kanilang pamilya.

Aniya, isang maliit na paraan ito para suklian ang kanilang malaking kontribusyon sa bansa.

Sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), aabot sa P2.5 bilyon ang kanilang naipamahagi sa on-site at repatriated OFWs na naapektuhan ng pandemya sa ilalim ng Abot Kaya ang Pagtulong (AKAP).

Ang AKAP ay one-time cash aid ng DOLE kung saan binibigyan ng 10,000 pesos o 200 dollars ang mga apektadong OFW.

Facebook Comments