Umakyat pa sa higit 13.1 million beneficiaries ang nakatanggap ng second tranche ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakapamahagi na ng nasa ₱78.4 billion na cash aid sa 13,147,805 beneficiaries sa 11 lugar na sakop ng SAP 2.
Katumbas nito ang 93% ng kabuuang target na 14.1 milyon na pamilya.
Kabilang sa mga nakatanggap ng SAP 2 ay 1.4 million beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 5.7 million low-income at non-4Ps recipients, 3.11 million “waitlisted,” low-income, at non-4Ps households, 1.7 million “waitlisted” beneficiaries mula sa mga lugar na inilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), 128,074 Transport Network Vehicle Services (TNVS) at Public Utility Vehicles (PUV) drivers.
Pagtitiyak ng DSWD na ginagamit nila ang lahat ng paraan at nakikipag-coordinate sa mga local government units (LGUs) at Financial Service Providers (FSPs) para matapos ang distribusyon ng SAP sa lalong madaling panahon.