Higit 13.2 million pamilya, nakatanggap na ng SAP 2 assistance – DSWD

Umabot na sa higit 13.2 million low-income families ang nakatanggap ng emergency cash subsidies sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 13,285,248 beneficiaries ang nakatanggap na ng cash aid na nagkakahalaga ng ₱79.3 million.

Katumbas ito ng 94% ng 14.1 million households na target ng SAP 2.


Pagtitiyak ng DSWD na patuloy ang digital at manual payout sa 11 lugar na sakop ng SAP 2.

Nakikipagtulungan na ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan at sa kanilang mga Financial Sevice Providers (FSPs) para makumpleto ang SAP distribution sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments