Higit 13 milyong benepisyaryo, nakatanggap na ng SAP 2, ayon sa DSWD

Mahigit 13 milyong pamilya na ang napagkalooban ng ayuda sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot na sa P77.9 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.

Tiniyak naman ng kagawaran na patuloy ang pamamahagi nila ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.


Facebook Comments