Higit 130 pamilyang nasunugan sa Ramos Village sa Eastbank Road sa Barangay Rosario, Pasig, nasa evacuation center na at agad nahatiran ng tulong

Agad nagtayo ang pamahalaang barangay ng Manggahan ng evacuation center para sa mga nasunugan sa Ramos Village sa Eastbank Road, Barangay Rosario sa Pasig City.

Nakipag-ugnayan agad ang pamahalaang barangay ng Rosario sa City Social Welfare and Development Office (SWDO) ng pamahalaang lungsod para sa camp management.

Nakapagpadala na rin ang pamahalaang lungsod ng sleeping kits at hygiene kits sa mga apektadong pamilya na lumikas para may magamit ang mga ito sa kanilang pansamantalang pananatili sa evacuation center.

Sa naturang sunog kagabi, nasa 100 kabahayan ang naapektuhan at 131 na pamilya ang apektado.

Umabot pa ang sunog sa ikatlong alarma bandang alas-8:23 ng gabi at dakong alas-11:35 naman nang tuluyang maapula ang sunog.

Facebook Comments