Higit 1,300 COVID-19 patients, sumali na sa WHO Solidarity Trial

Umabot na sa higit 1,300 COVID-19 patients ang sumali sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay Department of Science and Technology – Philippine Council for Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, aabot sa 730 pasyente ang naka-enroll sa pampublikong ospital habang 585 sa pribadong ospital.

Aktibong nakikiisa ang Pilipinas para hakbang ng mundo na matigil na ang pandemya.


Nasa 100 bansa ang kasali sa Solidarity Trial para malaman kung ligtas at mabisa ang ilang gamot.

Facebook Comments