Manila, Philippines – Nag-adjourn na ang Kamara sa huli nitong sesyon para sa 17th Congress.
Sa datos ng Mababang Kapulungan, mula sa kabuoang 11,855 house measures na inihain sa loob ng 17th Congress, 4,626 ang naiproseso.
Mula sa nasabing bilang 1,367 ang naaprubahan kung saan 364 ang naisabatas.
Aabot naman sa 238 resolutions at motu propio inquiries ang naipasa o nakumpleto.
Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang mga kapwa mambabatas at kanilang mga staff sa mga na-accomplish nila.
Kabilang sa mga naisabatas ay ang mga priority laws ng Duterte administration tulad ng Bangsamoro Organic Law (BOL), Rice Tariffication Act, Tax Amnesty Act, Universal Health Care at National ID System Act.
Ilan naman sa mga naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay ang mga panukalang: National Land Use Act, Department of Disaster Resilience Act, Security of Tenure Act, Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities Act (TRABAHO), Sin Tax Reform Act at ang Real Property Valuation and Assessment Act.
Naipasa rin ng Kamara ang mandatory Reserved Officers Training Corps (ROTC) Program sa senior high school, pag-amyenda sa Public Services Act, at ang Foreign Investments Act na sertipikadong urgent bills ni Pangulong Rodrigo Duterte.