Higit 13,000 bagong trabaho, inaasahang bubuksan sa bansa ngayong taon — BOI

 

Inaasahang magbubukas ang 13,871 bagong trabaho para sa mga Pilipino kasunod ng higit P640 billiong halaga ng pamumuhunan sa Pilipinas na inaprubahan ng Board of Investments (BOI), mula Enero hanggang Mayo ngayong 2024.

Ayon sa BOI, mas mataas ito ng 14 percent kumpara sa P562.9 billion investment approval sa kaparehong mga buwan ng nakaraang taon.

Ibinahagi ni BOI Investment Promotion Services Executive Director Evariste Cagatan na karamihan sa mga ito ay mula sa linya ng renewable energy, agrikultura, real estate, transportation at manufacturing.


Dagdag pa ni Cagatan, patuloy na ipinu-posiyon ng pamahalaan ang bansa bilang hub para sa smart at sustainable manufacturing at services.

Aniya, malaking bagay ang patuloy at mabilis na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas upang maengganyo umano ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.

Facebook Comments