Higit 13,000 indibidwal sa buong bansa, naitala ng DOH na nakarekober sa COVID-19

Umaabot sa 13,952 ang naitala ng Department of Health (DOH) na naka-rekober sa COVID-19 sa buong bansa.

Dahil dito, pumalo na sa 1,681,925 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.

Nakapagtala rin ng 16,044 na karagdagang kaso ng COVID-19 kaya’t ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ay 125,900.


Sa ngayon, 1,839,635 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

215 naman ang mga pumanaw kaya’t ang total deaths ay 31,810.

Ayon pa sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 20, 2021 habang mayroong 6 na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Nabatid na ang kontribusyon ng 6 na laboratoryo na ito ay humigit kumulang 2.9% sa lahat ng samples na nasuri at 3.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal sa nakalipas na 14 na araw.

Sinabi pa ng DOH na posibleng sa mga susunod na araw ay maaari pang tumaas ang kaso ng COVID-19 kaya’t muli nilang pinapayuhan ang publiko na sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna na rin upang magkaroon ng pinakamabisang depensa sa nasabing sakit.

Facebook Comments