Higit 13,000 OFWs, na-repatriate na sa bansa – DFA

Nakapagpauwi pa ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagang 13,320 overseas Filipinos.

Mula nang magsimula ang COVID-19 related repatriations ng ahensya nitong Pebrero, aabot na sa 314,158 Filipinos ang kabuuang bilang ng napauwi ng kagawaran.

Nakapagsagawa ang DFA ng 64 special commercial repatriation flights para mapauwi ang distressed Filipinos, kabilang ang 74 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa island of Diego Garcia; 33 OFWs at isang menor de edad mula Cambodia; 21 trafficking in persons victim mula sa United Arab Emirates, siyam na undocumented OFWs mula sa Iraq; apat na OFWs at dalawang menor de edad mula sa Guangzhou, China; dalawang medical repatriates mula Oman; dalawang undocumented OFWs mula sa Vietnam; isang household service worker mula sa Iran, at isang stranded seafarer mula sa Bahamas.


Mayroon ding 32 Filipino crew mula sa stranded fishing vessels na Long Xing 905, 906 at 907 ang dumating sa bansa nitong Sabado, December 19.

Tiniyak ng DFA na patuloy ang kanilang repatriation efforts at assistance sa lahat ng Pilipinong naapektuhan ng pandemya.

Facebook Comments