HIGIT 13K DAGUPEÑO, NAKINABANG SA TATLONG ARAW NA MEDICAL MISSION

Nakinabang ang nasa 13,163 residente ng Dagupan City sa tatlong araw na Medical, Surgical at Dental Mission na isinagawa ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng pagpapaigting ng serbisyong pangkalusugan sa lungsod.

Isinagawa ang iba’t ibang serbisyong medikal mula Enero 30 hanggang Pebrero 1, katuwang ang isang nonprofit organization.

Kabilang sa mga inihatid na serbisyo ang medical at surgical consultation, dental services, laboratory tests, eye check-up, libreng gamot, X-ray, ECG, at physical therapy.

Ayon sa City Health Office, layon ng naturang medical mission na mabigyan ng agarang tulong medikal ang mga residente, lalo na ang mga walang sapat na kakayahang magpagamot.

Kaugnay nito, isinagawa ang isang Thanksgiving Dinner sa huling araw ng misyon bilang pasasalamat sa mga volunteer, health worker, at mga katuwang na ahensya na naging bahagi ng matagumpay na aktibidad.

Facebook Comments