Higit 13M doses ng bakuna, naiturok na sa ating mga kababayan

Umaabot na sa kabuuang 13,196,282 doses ng anti-COVID-19 vaccines ang naiturok sa ating mga kababayan.

Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, sa nasabing bilang, 1,575,936 na mga health worker ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna habang nasa 1,174,658 ang nakakumpleto na ng 2nd dose.

Sa mga senior citizen o A2 catergory, 2,655,403 ang nakatanggap ng 1st dose at 915,593 ang tapos na maging ang kanilang 2nd dose.


Sa hanay naman ng A3 category o may mga comorbidities, 3,232,278 ang nakatanggap ng 1st dose habang nasa 1,140,537 ang nakakumpleto na ng kanilang 2nd dose.

Nasa 1,689,680 frontline personnel o A4 category ang nakatanggap na ng 1st dose habang 191,851 ang tapos na sa kanilang 2nd dose.

Habang 307,450 indigent population o mga mahihirap ang naturukan na ng 1st dose at 69,694 ang tapos na sa kanilang 2nd dose.

Sa ngayon, mayroon ng 9,669,940 ang naturukan ng 1st dose sa buong bansa habang nasa 3,526,342 na ang mga Pilipinong fully vaccinated.

Facebook Comments