Naka-deploy at tuloy-tuloy na ang pagbabantay ng mahigit 14,000 na tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanilang area of responsibility upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa paggunita ng Undas.
Sinabi ni NCRPO Chief acting Director Police Brig. General Melencio Nartates Jr., kabuuang 14,033 na tauhan ang ipapakalat sa 127 sementeryo at columbario.
Kasama rin sa binabantayan ng mga pulis ang mga pangunahing lansangan, mga hub at terminal ng transportasyon maging sa mga convergence areas.
Mayroon ding 2,990 contingents na augmentation unit mulavsa Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection(BFP), MMDA at Force Multipliers.
Facebook Comments