Higit 14-M halaga ng Pananim na Mais at Palay, Nasira sa Cagayan dahil sa Bagyong Maring

Aabot sa mahigit P14 milyon ang inisyal na halaga ng pananim na mais at palay ang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong Maring sa malaking bahagi ng Cagayan.

Batay sa inilabas na datos ng Provincial Government ng Cagayan, apektado ang mahigit 1,000 magsasaka mula sa mga bayan ng Abulug, Peñablanca, Baggao, Aparri, Gonzaga, at Gattaran.

Nasa 450 cavans ng pananim mula sa bayan ng Baggao at Peñablanca ang hindi na mapapakinabangan pa matapos malubog sa baha habang aabot naman sa 1,205 na ektarya ng lupang sakahan ang partially damaged.


Sa inisyal na datos, aabot sa mahigit P6 milyong piso ang halaga ng pinsala sa pananim na palay sa bayan Abulug, pinakamalaking halaga ng pinsala na naitala kumpara sa ibang mga bayan sa lalawigan.

Samantala, patuloy pa rin ang pagkalap ng datos sa mga napinsalang pananim dahil kay bagyong Maring.

Facebook Comments