Higit 14-M mga Pilipino, fully vaccinated na

Sumampa na sa 14,109,916 o 25.93% ang mga nabigyan na ng 2nd dose o yung mga Filipino na fully vaccinated na ang naitala kahapon.

Sa datos na iprinisenta ni Presidential Spokesperson Harry Roque mula sa national COVID-19 vaccination dashboard, 20,002,404 naman ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna.

Ito ay mula sa 34,112,320 kabuuang bilang ng doses ng mga bakunang naiturok na.


Samantala, naitatalang umaabot naman sa 406,025 ang average daily jabs.

Sa Metro Manila naman, 7,158,800 o 73.23% ng target population ang nakatanggap na ng 1st dose habang nasa 4,157,092 o 42.52% naman ang mga fully vaccinated na mula sa 11,315,892 doses ng bakuna na na-administer.

Sa kabuuan, nasa 52,603,760 ang bilang ng mga bakuna na dumating sa bansa.

32,050,400 dito ang binili ng national government, 3,617,100 ang nakuha ng pribadong sektor at mga local government units (LGUs) habang 13,297,120 ang mula sa COVAX Facility at 3,639,140 naman ang donasyon ng iba’t-ibang mga bansa sa Pilipinas.

Facebook Comments