Binigyan ng parole ang higit 140 convicted prisoners bilang bahagi ng pamahalaan na mapaluwag ang detention facilities sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang weekly report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mula nitong May 15, 2020 ay nasa 144 persons deprived of liberty (PDL) ang binigyan ng parole.
Nasa 653 applications para sa parole o executive clemency ang pinoproseso.
Bukod dito, nasa 53 elderly PDLs ang pinalaya kasunod ng utos ng korte, kung saan 31 sa mga ito ay non-recidivists habang ang 21 ay mayroong pre-existing medical conditions.
Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na ang mga mapapalayang bilanggo ay kailangan munang sumailalim sa quarantine.
Facebook Comments