Nakahanda na ang 14,000 na paaralan sa buong bansa upang magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Asec. Malcolm Garma, batay sa kanilang assessment ay maaari nang magsimula ng in-person classes ang mga naturang paaaralan.
Nilinaw naman ni Garma na hindi mandatory ang COVID-19 vaccine para sa mga makikilahok sa face-to-face classes at maaari ring piliin ng mga magulang ang distance learning para sa mga bata.
Kaugnay nito ay isinusulong din ng DepEd ang paggamit ng studying-while-gaming method kung saan gagamitin ng mga guro at mag-aaral ang online game na Minecraft upang paigtingin ang “in game-based learning” sa bansa.
Samantala, nakatakda namang magsagawa ng early registration sa March 25 hanggang April 30 ang mga pampublikong paaralan ng elementary at highschool para sa susunod na school year.
Sa kabuuan ay mayroong 47,000 na public schools at 12,000 na private schools sa buong bansa.