HIGIT 140M CASH ASSISTANCE, IPAPAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA

Tinatayang nasa 140 milyong piso ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) ang nakatakdang ipamahagi sa mga magsasaka sa buong lambak ng Cagayan.

Nagsimula na ngayong linggo ang pamamahagi ng Department of Agriculture Region 2 (DA R2) nag naturang cash assistance sa kabuuang 21 munisipalidad na magpapatuloy hanggang sa Oktubre 21, 2022.

Mayroong P95.9 milyong piso ang nakatakdang ipamahagi sa Nueva Vizcaya na nagsimula na ang pamamahagi kahapon habang P44.5 milyong piso naman ang nakalaan para sa mga magsasaka sa Quirino.

Samantala, ilalabas pa lang ng DA R2 ang iskedyul ng pamamahagi at halaga ng pondo na nakalaan para sa Isabela.

Sa ilalim ng programang RFFA, makakatanggap ng 5,000 cash subsidy ang mga magsasakang naapektuhan ng Rice Tariffication Law na dahilan ng pagbaba ng presyo ng palay.

Facebook Comments