Higit 142,000 Indibidwal, Fully Vaccinated laban sa COVID-19

22

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa kabuuang 142,124 indibidwal ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela.

Ito ay batay sa inilabas na datos ng National Immunization Program-Isabela Integrated Provincial Health Office

Batay sa fully vaccinated total projected population, mula sa 8.7% sa nakalipas na August 23 ay umangat ito sa 9.12% ngayong araw.


Kaugnay nito, halos nasa 100% na ang mga nabakunahan sa priority A1 o mga health care workers; 69.8% naman sa A2 priority o mga senior citizen, 69.0% naman sa A3 group o individuals with comorbidities habang 17.4% ang mga kabilang sa essential workers, frontliners sa gobyerno at mga uniformed personnel.

Patuloy naman ang ginagawang pagbabakuna sa mga kabilang sa priority group sa paghahangad na makamit ang herd immunity.

Facebook Comments