HIGIT 14K HALAGA NG ILIGAL NA PAPUTOK, SINIRA NG MGA OTORIDAD SA IFUGAO

CAUAYAN CITY- Sinira at itinapon ng mga otoridad ang mga nakumpiskang ilegal na paputok at pyrotechnic materials sa lalawigan ng Ifugao.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Ifugao Provincial Police Office kasama ang PNP Explosive Ordnance Disposal (EOD), 1st IPMFC, MDDRM, at Bureau of Fire Protection (BFP).

Kabilang sa mga sinira at tinapon ay ang 15 piraso ng Poppop firecrackers, 51 piraso ng Mother Rockets (Boga), 553 piraso ng Kwitis, at 16 piraso ng iba pang ipinagbabawal na paputok na nagkakahalaga ng P14,260.


Sa pamamagitan nito ay nabawasan ang malaking tyansa ng pagkakaroon ng firework related incidents at mga aksidente.

Ang operasyon ay alinsunod sa binagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng R.A 7183, na nagre-regulate sa pagbebenta, paggawa, pamamahagi, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic device.

Facebook Comments