Higit 15-K na insidente ng sunog, naitala ng BFP ngayong taon

Tumaas sa 15,679 ang naitalang insidente ng sunog ng Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong taon.

Mas mataas ito kumpara sa higit 12,000 noong 2022 na karamihan ay naganap sa residential area.

Gayunpaman, mababa naman ang sunog na naitala dahil sa paputok na nasa 24 lamang mula January 1 hanggang December 26, 2023, mula sa 28 sa kaparehong panahon noong 2022.


Wala namang naitalang sunog ang BFP noong December 24 hanggang 26, ngayong taon.

Kaugnay niyo ay naka-code red alert status na ang BFP mula pa noong December 23 para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa ilalim ng code red, nakahanda at on standby 24/7 ang firetrucks sa mga istasyon at handang tumugon anumang oras sakaling magkaroon man ng sunog.

Tuloy-tuloy rin ang pag-iikot ng BFP para ipaalala sa publiko ang panganib ng sunog ngayong holiday season, partikular na sa matataong lugar.

Facebook Comments