Dumating na ang Chinese Investors na magtatayo ng international airport at seaport sa lungsod.
Ayon kay Secretary to the Mayor Anecito Rasalan sa naging panayam ng DXMY , ang mga kinatawan ng China Engineering Construction (Shenzhen) Company ay nasa lungsod upang magsagawa na ng survey at katunayan ay mayroon na rin silang project design.
Narito sila upang i-comply na rin ang iba’t-ibang requirements ng gobyerno ng Pilipinas ayon pa kay Rasalan.
Sa unang bahagi ng 2020 ay maaring pasisimulan na ang konstruksyon ng international airport.
Hindi pa tapos ang phase 1 ng seaport subalit habang ginagawa ito ay tatrabahuin na ng Shenzhen Company ang mga rekisitong kinakailangan kasama na dito ang pagprisenta ng kanilang proposal upang masimulan na rin ang phase 2 hanggang phase 3 o ang final phase ng pantalan dagdag pa ni Rasalan.
Tatlong mga barangay ang sasakupin ng itatayong international airport sa syudad.
Bahagi ng Tamontaka 3 at Tamontaka 5 at malaking bahagi ng Tamontaka 4.
Sinabi ni Rasalan na aabot ng 3,000 ektarya ang sasakupin ng paliparan kasama na dito mga hote, restaurants at iba pang ammenities na nakikita sa isang international airport.
Malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng mga nabanggit na barangay ayon pa kay Rasalan.
Mula sa pagiging rural barangay ang magiging tungo sa pagiging commercial barangay.
Samantala inaasahang nasa mahigit 15 libong mga trabahante ang kakailanganin sakaling magsisimula na ang proyekto.
Google Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>