HIGIT 150 KILOS NG BASURA, NAHAKOT MULA SA ILANG DALUYAN SA POZORRUBIO

Nabawasan ang tambak ng basura sa mga daluyan ng tubig sa Brgy. Quibuar, Poblacion I at Tulnac, Pozorrubio matapos mahakot ang mahigit 150 kilo o 40 sako ng residual waste.

Ayon sa MENRO, ang mga basura ay maaaring magdulot ng pagbabara sa daluyan ng tubig na umaagos sa Angalacan at Aloragat River kapag hindi nahakot.

Kasama sa mga tumulong ang mga barangay at volunteers mula sa ilang paaralan, civil society groups at pribadong sektor.

Bukod dito, nagsagawa rin ng Communication, Education, and Public Awareness (CEPA) campaign ang MENRO sa Tulnac Elementary School.

Mahigit 50 mag-aaral mula Grade 4 hanggang 6 ang tinuruan tungkol sa wastong pamamahala ng wetlands, climate change, river rehabilitation, solid waste management at mga lokal na patakaran sa pangangalaga ng kalikasan.

Alinsunod ang aktibidad sa pagdiriwang ng World Wetlands Day, at sa kasunduan ng DENR-EMB Region I at LGU Pozorrubio na panatilihing malinis ang lahat ng katubigan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments