Higit 150 OFW’s na gumaling sa COVID-19, nakauwi na sa kanilang mga pamilya

Nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang aabot sa 151 Overseas Filipino Workers (OFW’s) matapos gumaling sa COVID-19.

Ayon sa Bases Conversion And Development Authority (BCDA), ang mga nasabing OFW’s na dumating mula sa Middle East at United Kingdom ay dinala sa We Heal As One Center sa Philippine Arena.

Dito ay nagkaroon ng send off ceremony bago sila umuwi na dinaluhan nina Health Secretary Francisco Duque III, National Action Plan against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac.


Samantala ayon pa kay Duque, ikinatutuwa rin ng Department of Health na gumaling na ang mga ito at makakauwi na sa kanilang pamilya matapos ang pinagdaanan nilang pagsubok.

Facebook Comments