HIGIT 1,500 FUEL SUBSIDY CARDS, IPINAMAHAGI SA MGA PUV OPERATORS SA PANGASINAN

Tinanggap ng mga PUV Drivers at Operators sa Pangasinan ang nasa 1,570 fuel subsidy cards na unang batch ng Pantawid Pasada Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Sa pamamagitan ng mga Pantawid Pasada ATM cards, direktang ipapadala ng tanggapan ang fuel subsidy upang matulungan ang transport sector sa pabago-bago at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ikinatuwa naman ng mga benepisyaryo ang financial assistance para sa kanilang patuloy na operasyon.

Samantala, ilang driver naman ang umaasa na mapapalawak ang programa matapos hindi mapabilang ang ibang driver gayong aktibo umano sa pamamasada at may tumatalima sa mga requirements. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments