HIGIT 1500 INDIBIDWAL, INILIKAS SA BRGY. BUENAVISTA DAHIL SA BAGYONG PEPITO

CAUAYAN CITY- Hindi bababa sa isang libong indibidwal ang inilikas sa Brgy. Buenavista, Santiago City noong kasagsagan ng Bagyong Pepito sa Lungsod.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Leofin Pascual, nasa 1500 indibidwal ang lumikas sa evacuation center na binubuo ng 485 pamilya kung saan bahagyang nahirapan ang kanilang hanay sa paglilikas dahil sa katigasan ng ulo ng ilang residente.

Aniya, maraming porsyento sa kanilang barangay ag nalubog sa baha dahil napapaligiran ng ilog ang kanilang lugar at mabilis ang pagtaas ng tubig.


Kaugnay nito, dahil sa sunud-sunod na pananalasa ng Bagyo sa Lungsod ng Santiago ay nagdeklara na ng State of Calamity dahil sa laki ng epekto at pinasala na iniwan nito sa Lungsod.

Samantala, nakatakdang mamahagi ng limang kilong bigas bawat pamilya ang hanay ng Buenavista sa mga apektadong pamilya ng bagyo.

Facebook Comments