HIGIT 1,500 MAG- AARAL DUMALO SA UP SUBOL SOCIETY 2025 PADUNUNGAN

Nagdaos ng isang matagumpay na kaganapan ang UP Subol Society sa ilalim ng kanilang taunang programa ang “Padunungan” na ginanap kahapon sa Narciso Ramos Sports and Civic Center, Lingayen Pangasinan.

Sa tema ngayong taon na “BILAY: Biodiversity Conservation and Restoration of Pangasinan Ecosystem” naglalayon itong imulat ang mga kabataan sa tamang pangangalaga ng kalikasan.

Dumalo ang halos dalawang libong junior at senior high school students sa probinsiya mula sa ibat-ibang paaralan.
Tampok sa prpgrama ang mga aktibidad tulad ng group inter-campus quiz show, extemporaneous speaking, on-the-spot essay writing at poster collage making at environment project proposal na may kinalaman sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin, tubig at lupa sa probinsya.

Ayon kay Mac Khenlee C. Oli, President ng UP Subol Society Baguio Chapter, layunin ng Padunungan na magkaroon pagkakataon ang mga kalahok na mahasa sa ang kabataan sa academics at matutunanan ang kahalagahan ng kultura at ang kanilang papel sa lipunan.

Dagdag na ni Ruvic T. Hondrado, Padunungan 2025 Head ng UP Subol Society Baguio Chapter, makakatulong ang nasabing programa na mas maging bukas ang mag-aaral sa kasalukuyang problema ng ating lipunan.

Ang Padunungan ng UP Subol Society ay patuloy na nagsisilbing isang plataporma para sa mga kabataan na naglalayong magbigay ng kontribusyon sa kanilang komunidad at inaasahan na sa susunod pang taon ay mas lalo pang mapapalawak ang kanilang mga inisyatibo at maging inspirasyon sa iba pang mga kabataang mag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments