HIGIT 1500 NA MGA SENIORCITIZENS, NAKATANGGAP NG AICS PAYOUT

Nakatanggap ang nasa isang libo at pitong daan o 1700 na mga Senior Citizens sa Dagupan City ng payout sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Assistance to Individuals in Crisis Situation o ang AICS.
Ang AICS sa sa mga social welfare services ng DSWD na nagbibigay ng tulong medikal, pampalibing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o tulong pinansyal para sa iba pang support services o pangangailangan lalong lalo na sa mahihirap na mga residente o mga indigent people na sumasailalim sa krisis upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Nabanggit ng alkalde kasabay ng naganap na eye screening para sa mga sasailalim sa cataract operation na handang tumulong ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga senior citizens na makatanggap din ng mga tulong pinansyal lalo na kung hindi ito tumatanggap tulad ng mula sa SSS.

Patuloy naman umano ang pakikipag-ugnayan ng LGU Dagupan sa DSWD upang maipabot ang mga programang tutulong sa mga indigent Dagupenos. |ifmnews
Facebook Comments