HIGIT 1,500 NA PAMILYA SA BOLINAO NA NASIRA ANG TAHANAN DAHIL SA BAGYO, BENEPISYARYO NG ECT NG DSWD

Nakatakdang tumanggap ang 1,500 na pamilya na nasira ang tahanan dahil sa bagyo sa bayan ng Bolinao ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1.
Ayon sa DSWD Field Office 1, ang bayan ng Bolinao ang may pinakamataas na bilang ng mga bahay na nasira matapos manalasa ang bagyong maring noong oktubre noong nakaraang taon.
Tatanggap ang mga ito ng tig P7,650 mula sa programang DSWD Emergency Cash Transfer (ECT).

Layunin nitong matulungan at makabangon ang mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. Isasagawa ang distribusyon ngayong buwan matapos ang orientation. |ifmnews
Facebook Comments