HIGIT 1500 PAMILYA SA CAGAYAN, NAAPEKTUHAN NG PAGBAHA

Cauayan City – Umabot na sa 1,573 pamilya na binubuo ng 5,309 na mga indibidwal ang naapektuhan ng nararanasang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.

Batay sa monitoring ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Cagayan, 7 bayan sa lalawigan ang apektado ngayon ng nararanasang pagtaas ng lebel ng tubig.

Mula sa nabanggit na bilang, 2,827 na indibidwal ang pansamantala ngayong tumutuloy sa mga evacuation center habang ang ilan naman ay namamalagi sa tahanan ng kanilang mga kamag-anak.


Bagama’t maganda na ang lagay ng panahon, nakataas pa rin sa red alert status ang hanay ng PDRRMC upang masiguro na napapanatili ang kaligtasan ng mga Cagayanong apektado ng pagbaha.

Facebook Comments