Higit 15,000 indibidwal sa Sulu, bakunado na kontra COVID-19

Nabakunahan na ang higit 15,000 indibidwal sa Sulu kontra COVID-19 kasunod ng isinagawang special vaccination days ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao’s Ministry of Health (BARRM-MOH).

Ayon sa ulat ng Bangsamoro Information Office, nasa 15,328 ang nabakunahan mula May 11 hanggang 13 o katumbas ng 60.11% ng 25,000 na target population ng BARMM.

Matatandaang nagpatupad din ang pamahalaang panlalawigan ng Sulu ng “No Vaccine Card, No Entry Policy,” upang pataasin ang vaccination rate sa probinsya.


Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 148.237 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa bansa kung saan kabilang dito ang higit 66 million first doses, 68 million complete doses, at 13 million booster doses.

Facebook Comments