Higit 150,000 Senior Citizen, Naayudahan na ng Social Pension

84

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa156,715 senior citizen ang nakatanggap ng Social Pension na P3,000 para sa 2nd semester mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) field office 2.

Ito ay mula sa pinagsamang 74 na munisipalidad at siyudad sa buong rehiyos dos.


Batay sa datos na inilabas ng ahensya, katumbas ng 71.6% ang nasabing bilang na nagsimulang maipamahagi ang SOCPEN nito lamang buwan ng Setyembre 2020.

Tinitiyak naman ng ahensya ang istriktong pagpapatupad ng health at safety protocols para masigurong ligtas ang mga senior citizen.

Asahan din na magpapatuloy ang distribusyon ng pension para sa mga ito sa iba pang bayan na hindi pa nakakatanggap ng pension.

Facebook Comments