Aabot sa higit 155,000 empleyado ang makikinabang mula sa application ng mga employer sa nagpapatuloy na contribution penalty condonation program na magtatagal hanggang September 1.
Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio – nasa ₱1.01 billion ang halaga ng penalties ang na-waive dahil nasa pag-avail ng nasa 16,460 employers ng condonation program.
Dagdag pa ni Ignacio – nasa ₱378.71 million na halaga ng pinagsamang principal deliquency at interest ang nakolekta mula sa mga employer na nag-avail ng programa mula nang magsimulang tumanggap ng aplikasyon noong March 15.
Mayroon pang higit 115,000 deliquent employers ang maaaring mag-avail ng penalty condonation program para sa mga hindi pa nababayarang SSS premiums.
Sa pamamagitan ng programa, hindi nawe-waive ang penalty kasunod ng application at proposals na magbayad ng kanilang delinquencies sa full o installment basics.
Nilinaw din ng SSS na ang on-going contribution penalty program ay sakop ang deliquent contributions ng mga household employer.
Mula nitong March 2019, aabot sa higit 267,000 ang rehistradong household employers sa SSS.