Higit 160 Pinoy na-stranded sa Norway cruise ship, ligtas – DFA

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang nasa 163 na Filipino crew members ng isang cruise ship sa Norway matapos magkaroon ng engine problem.

Ayon sa DFA, nakatutok ang ahensya sa nagpapatuloy na rescue operations ng Norweigan Rescue Center para sa mga pasahero ng Viking Sky Cruise Ship.

Iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Oslo na ligtas ang mga Pinoy crew member base sa pakikipag-ugnayan sa Viking Cruises at Norweigan Rescue Center.


Maliban rito, wala rin anilang pasaherong Pinoy na nakasakay sa naturang cruise ship.

Nabatid na kinailangan pang gumamit ng tug boats para madala ang cruise ship sa baybaying-dagat.

Facebook Comments